LP 004: Madumi

LP 004: Madumi

Ito ang aking lumang printer. Isang HP Deskjet 845c. Galing sa opisina at itatapon na sana pero naisipan kong iuwi ng bahay at baka sakaling mapakinabangan pa. Binalak na noon ay linisin, pero sa dahil sa katamaran, hindi ko na nagawa pa ito.

Naglinis ako ng bahay kanina dahil malapit na akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon at napagtuunan ko ng pansin ang lumang printer na ito. Naisipan kong ikahon na lang para maiuwi sa pinas, at maipamigay sa mas higit na nangangailangan.

At dahil ipamimigay ko na rin naman sya, bakit ko pa lilinisin? Yamong ang bagong may-ari ang syang maglinis nyan. Gusto kong makita nya ang alikabok na "imported". Ibibigay ko na nga sa kanya, ako pa ang maglilinis? Ano siya hilo?

Ito ang aking pang-apat na lahok para sa LITRATONG PINOY.

Camera: Canon EOS 400D DIGITAL (Canon)
Focal Length: 35 mm
Exposure: 1/20 sec
Aperture: f 2.8
ISO: 400














  • ganda ng kuha maski madumi ang subject:)
    spiCes @ 2008-11-20 02:23:47
  • may ganyan din akong printer...gumagana pa..at madumi din :)

    eto pala lahok ko..Madumi

    cookie @ 2008-11-20 06:34:43
  • ang ganda ng angle..:)
    keep8up

    http://monkeymonitor.blogspot.com/
    TANCHI @ 2008-11-20 07:11:44
  • *lol* Yan din ang iniisip ko palagi. Sila na maglinis, ano!
    Sreisaat @ 2008-11-20 10:02:39
  • Sila na maglinis, ok di naman yun pero mas mainamna ibigay ng malinis na din para me dagdag kang pogi points :)
    julie @ 2008-11-20 11:44:07
  • wow, ang ganda ng kuha, never mind if madumi :-)
    pining @ 2008-11-20 14:05:26
  • wala namang alikabok ah...

    hehe kumontra pa. peace tayo kuya az. ang entry ko this week dedicated sayo. :D
    iris @ 2008-11-20 20:15:48